Diwa ng Panday 572

Diwa ng Panday 572

Saan nga ba napupunta ang benta ng Pandayan? Nang mabasa ko ito, sobrang dami pala nating binabayaran na expenses. Bukod pa dito ay ang pagpapasahod pa sa mga Kapwa. Bukod pa sa sahod, may natatanggap pa kaming incentives kada ika-19 na araw kada buwan. Napaisip na lang ako, kung labis-labis na ang bigay sa amin, may nakukuha pa bang kita ang aming mga Boss? Kaya ganoon na lang ang aming pasasalamat sa aming kompanyang kinabibilangan. Hindi kami pinapabayaang magutom. Maganda ang naging pangarap ng mga Boss sa mga lahat ng Kapwa. Sa kabila ng mga tanong na ito, naalala ko muli ang binitiwang salita ni Boss JVC, “Kayamanan ng Pandayan ang mga Kapwa.”